Sinariwa nina showbiz columnist Ogie Diaz at award-winning director Joel Lamangan ang pelikulang “Anghel Na Walang Langit” kung saan nila nakatrabaho sina Marjorie Barretto, Vina Morales, Albert Martinez, at iba pa.

Nabanggit kasi bigla ni Ogie kay Direk Joel sa kaniyang latest vlog nitong Huwebes, Oktubre 26, ang tungkol sa ginawa umano ng direktor kay Marjorie.

Kuwento niya: “Mula noon, sabi ko, ayaw ko nang makatrabaho si Direk Joel. Hindi ko kakayanin na nagmumura sa set; na laging galit. Parang nate-tense lahat. E, lalo na may eksena si Marjorie Barreto na kailangan niyang umiyak na hindi makaiyak-iyak.”

Kaya ang ginawa ng premyadong direktor, pinagalitan at minura-mura umano niya si Marjorie hanggang sa umiyak ito. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Sabi ko sa kaniya, very good. Kailangan lang pala ganoon,” ani Direk Joel.

“Sinaktan mo ‘yung damdamin ni Marjorie noon,” pangongonsensiya ni Ogie habang tumatawa.

“Pero nakaiyak siya,” depensa ng direktor. 

Sa kasalukuyan, binawas-bawasan na naman umano ni Direk Joel ang kaniyang pagiging magagalitan dahil baka maaga siyang pumanaw. Matatandaan kasing apat na beses na siyang inaatake sa puso at sumailalim na rin sa operasyon.

MAKI-BALITA: Direk Joel Lamangan, galit sa mga artistang ‘shungang umarte’ at ‘laging late’