Inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes, Oktubre 27, na pinahihintulutan nito ang work-from-home arrangements sa mga opisina ng gobyerno at asynchronous classes sa mga pampublikong paaralan sa darating na Martes, Oktubre 31, 2023.

“In order to provide government employees full opportunity to properly observe All Saints’ Day on 01 November 2023, and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work from home arrangement in government offices shall be implemented, and asynchronous classes in public schools shall be conducted on 31 October 2023,” nakasaad sa Memorandum Circular No. 38 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Samantala, nilinaw ni Bersamin na dapat magpatuloy sa karaniwang operasyon ang mga ahensya ng gobyerno na ang mga tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng mga basic at health services, paghahanda/ pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at/o ang pagganap ng iba pang mahahalagang serbisyo.

“A similar arrangement for work in private companies and classes in private schools is left to the discretion of their respective heads,” nakasaad din sa naturang memorandum.

Malacañang: ‘Hindi holidays ang Oktubre 31, Nobyembre 3’

Matatandaang inihayag ng Malacañang kamakailan na hindi holiday ang Oktubre 31, 2023.

Ang Oktubre 31 (Martes) ang araw na nasa pagitan ng dalawang special non-working holidays ngayong taon na Oktubre 30 (Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE) at Nobyembre 1 (All Saints’ Day).