Nanawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary, spokesperson Romel Lopez sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong ginagamit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanilang pangangampanya.

“Hindi dapat magpa-uto ang mga botante sa mga kumakandidato sa barangay na iniaalok ang 4Ps [membership] kapalit ng kanilang boto,” paliwanag ni Lopez nang dumalo sa unang bugso ng DSWD media forum sa New Press Center sa main office ng ahensya sa Quezon City nitong Huwebes.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nauna nang umapela ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa DSWD na tiyaking hindi magagamit ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ang programa para sa kanilang kampanya.

“Sa atin pong mga kababayan, kahit sino pong mangako sa inyo na kayo'y mapapasama sa 4Ps program, malamang hindi ho magkatotoo 'yan. Hindi ho magkatotoo 'yan...DSWD data lang po ang tatanungin, DSWD personnel din lang po ang makakapag-assess po sa inyo – hindi po kahit sinong kandidato,” dagdag pa ng opisyal.

May dagdag na ulat ng PNA