Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina kaugnay ng kasong nagsasangkot sa kanya sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Gayunman, inatasan ng anti-graft court si Baterina na ibalik sa pamahalaan ang ₱35 milyong iniluwal nito sa mga non-government organization (NGO) noong 2007.

Sa desisyon ng 2nd Division ng Sandiganbayan nitong Oktubre 27, pinawalang-sala si Baterina sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), direct bribery at malversation kaugnay ng paggamit nito ng PDAF.

"(T)here is no evidence to sufficiently prove that accused Baterina had any participation in the conspiracy to commit the crimes," anang hukuman.

Sa nasabi ring desisyon ng korte, napatunayan namang nagkasala sina businesswoman Janet Lim Napoles at iba pang akusado dahil nagsabwatan ang mga ito sa maling paggamit ng PDAF kung saan inilipat ito sa Kaagapay Magpakailanman Foundation Inc. (KMFI) at sa Philippine Social Development Foundation Inc. (PSDFI).

Bukod kay Napoles, hinatulan din ng 40 taong pagkakakulong sina dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) group manager Maria Rosalinda Lacsamana, dating supervisor Belina Concepcion, at private individuals Godofredo Roque at Evelyn de Leon.

Inatasan din sila ng hukuman na magbayad ng danyos na ₱35 milyon. 

PNA