Dinayo ni showbiz columnist Ogie Diaz ang award-winning director na si Joel Lamangan sa set ng “FPJ’s Batang Quiapo sa kaniyang latest vlog nitong Huwebes, Oktubre 26.

Matatandaang kamakailan ay ikinuwento ni Direk Joel ang kaniyang karanasan sa pagganap ng karakter ni Roda sa nasabing serye.

MAKI-BALITA: Bahay ni Joel Lamangan, ‘binabato’ ng mga bata: ‘Naririndi ako!’

Isa sa mga naitanong ni Ogie kay Direk Joel ay kung may nagbago ba sa mga katangian nito bilang direktor kumpara sa naranasan niya noong mga panahong tensiyonado lahat ng nasa set kapag nagagalit ito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Ngayon na-lessen na. Kasi nga mamamatay naman ako…Di naman talagang natanggal. Na-lessen,” sabi ni Direk Joel.

Apat na beses na raw kasing inaatake sa puso ang premyadong direktor at sumailalim na rin sa operasyon.

Dagdag pa niya: “Ako’y galit lamang talaga ngayon doon sa mga shunga-shunga umarte. At lalo na ‘yung mga nale-late na tatlong oras kang maghihintay.”

Kapag ganoon, sinusugod daw talaga ni Direk Joel. Lalo na ang mga matatagal magpantay ng kilay. Hinihila niya raw sa tent para sermunan.

Pero ayon kay Direk Joel, ginagawa lang umano niya iyon para sa ikabubuti ng artista kahit alam niyang nami-misinterpret at nami-misunderstood nito ang kaniyang pagdidisiplina.