Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:04 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 343 kilometro ang layo sa timoy-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 55 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.