Mahigit sa ₱24.6 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasabat ng mga awtoridad sa karagatang bahagi ng Zamboanga City kamakailan.

Sa report ng Bureau of Customs (BOC), nagsasagawa ng border patrol ang mga tauhan ng Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa karagatang sakop ng Barangay Sinunuc nitong Oktubre 20 nang mamataan ang kahina-hinalang MB Utoh Mat Mat.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nang sitahin ang naturang bangka, natagpuan ng mga awtoridad ang sakay na 423 kahon ng iba't ibang brand ng sigarilyo.

Gayunman, nabigong maglabas ng papeles ang limang tripulante kaya't kinumpiska ang mga sigarilyo.

Sa pahayag ng mga tripulante, patungo na sana sila sa Zamboanga City mula sa Jolo, Sulu upang i-deliver ang kargamento.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.