Kumakalat sa social media ang video clip ng pagsayaw umano ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa isang lalaking ka-showdown, na ayon sa mga miron ay si Kapamilya singer-actor Darren Espanto.

Mapapanood na todo-hataw sa dance floor si Piolo Pascual habang ka-showdown umano si Darren at iba pa.

Makikitang masayang nanonood sa kanilang dalawa ang anak ni Piolo na si Iñigo Pascual. Makikita rin doon ang kaniyang dating personal assistant at ngayo'y artista na ring si Moi Marcampo.

Nagdiwang ang aktor-singer kasama ang mga kaibigan at iba pa dahil sa matagumpay na concert ni Papa Pi, ang "An Ultimate Night with Piolo" sa Newport Performing Arts Theater noong Oktubre 20.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sey naman ng mga netizen, parang "lasing" o may tama na raw si Piolo kung titingnan ang galawan nito. Hindi yata sanay ang mga taong makitang ganito ang heartthrob.

Ang iba naman, napapatanong kung bakit ang guwapo-guwapo pa rin ni Papa Pi kahit parang tipsy na raw siya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon mula kay Piolo kung lasing na nga ba siya batay sa video nang mga oras na iyon.