"Nagwala" sa comment section ang mga tagahanga at tagasuporta ng dating mag-asawang Megastar Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion, matapos silang maispatang magkaakbay.

Ibinahagi ni Mega ang mga larawan nila ni Gabby sa kaniyang Instagram posts.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa isang Instagram post ay naka-tag pa ito sa Instagram account ng anak nilang si KC Concepcion.

Ito na muli ang pagkakataong nakitang literal na close sa isa't isa ang dating mag-asawa matapos ang kanilang kontrobersiyal na hiwalayan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Hindi na ata ako kakain ng hapunan busog na busog na kasi ako sa kilig ehh HAHAHA."

"Sana pagtapus ng concert tuloy tuloy na maging freind sila ulit."

"cute parin! bigyan ng award as love team of the century hahaha!"

"bakit ang lakas nyu magpakilig sa mga tao.shagab kayo na original loveteam talaga mula noon gang ngayon patok na patok parin.we love you concepcion family nong araw.hay hirap maka move on.we love you po mam shawie."

"Magkahawig po kayo..."

"Hay mapapasana ka na lang talaga and what if..."

Ang pagsasama ng dalawa ay para sa reunion concert na "Dear Heart" bukas ng Biyernes, Oktubre 27, 2023 sa SM Mall of Asia Arena.