Usap-usapan ang naging rebelasyon ni DJ Jhai Ho hinggil sa sigalot sa pagitan nina Ricci Rivero at Bea Borres dahil sa kaibigan ng huli na si Andrea Brillantes, na ex-jowa naman ng una.

Matatandaang natsika na rin ni Jhai Ho ang pagkonsulta umano ni Bea sa isang abogado kung dapat bang kasuhan si Ricci nang mag-name drop daw ito ng pangalan at mag-react sa kaniyang X post na wala namang pinangalanan.

Natrigger umano si Bea matapos sabihin ni Ricci ang salitang "pangangabit."

Sa isang ipinadalang personal na mensahe ay binasa ni DJ Jhai Ho ang sagot ni Ricci sa lahat ng isyu.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Ricci, hindi totoong third party ang kasalukuyan niyang girlfriend na si Leren Mae Bautista, dahil nagkakilala raw sila bandang Mayo 26 ngayong taon.

Bago ang nabanggit na petsa ay nagkakalabuan na raw sila ni Blythe, at Mayo 6 nga raw nang sabihin ng aktres na tapos na sila.

Naikuwento pa ni Ricci na may pagkakataong nagsadya pa raw si Andrea nang madaling-araw sa kaniyang condo unit para makipagbalikan, subalit mas pinili na raw niyang huwag na.

MAKI-BALITA: Andrea nagpunta nang madaling-araw kay Ricci para makipagbalikan?

Nakiusap daw si Andrea na huwag munang sasabihin sa publiko na wala na sila dahil baka masira daw ang image nito, subalit nang hindi raw siya pumayag sa pakikipagbalikan, bakit daw siya na ang tila "bad person" at nasiraan siya sa mata ng publiko?

Tiniis daw ni Ricci ang mga gawa-gawang paninira patungkol sa "laundry," "mga gamit sa bahay," at iba pa. Sumosobra na raw kasi kaya nagsalita na ang basketball player.

Tiniis din umano ni Ricci ang mga parinig post ni Blythe tungkol sa kaniya.

Matatandaang si Ricci ang iniisip ng mga netizen sa ex-boyfriend na sinabihan ni Andrea na hindi nagpapa-laundry ng mga damit sa loob ng isang taon, kahit na wala namang binanggit na pangalan ang aktres.

"She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag magkabalikan, sisiraan na ako bigla?" pahayag daw ng basketbolista.

"Nanahimik ako sa detalye at tiniis lahat ang gawa-gawa nilang paninira d'yan sa mga laundry na 'yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila, pero sobra na. Wala naman nang mawawala sa akin, so bakit di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko."

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

Kung "siraan" lang daw ang pag-uusapan ay marami rin daw puwedeng sabihin si Ricci kaya tila may "banta" siya sa dating karelasyon.

"Pero kung pati future ko nakadepende sa pangit na nakaraan na 'yan, hindi na ako papayag," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Andrea tungkol dito.

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

MAKI-BALITA: Ricci Rivero sa pagpalag kay Bea Borres: ‘Sumusobra na sila’

MAKI-BALITA: Bea Borres, sasampahan ng kaso si Ricci Rivero?