Pinaiimbestigahan na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang isang bumbero na naaresto nitong Martes dahil sa umano'y ipinapangakong officer slots sa lateral entry program ng Bureau of Fire Protection (BFP) kapalit ng pagbabayad ng malaking halaga.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Abalos sa naarestong si Fire Officer 1 Ramces Paul Benipayo, 29, nakatalaga sa Muntinlupa Fire Station.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

"We will not tolerate this kind of illegal activity. That’s why I’ve already ordered the PNP (Philippine National Police) to work closely with the BFP (Bureau of Fire Protection) to get to the bottom of this issue and prosecute everyone involved. Walang puwang sa gobyerno natin at sa DILG or sa BFP for that matter ang mga katulad niya," ani Abalos.

Naiulat na kinukumbinsi ni Benipayo ang mga bibiktimahin nito na bayaran siya kapalit ng promosyon na inilalakad ng mga "contact" nito sa BFP.

Layunin din ng imbestigasyon na matukoy ang sinasabing kasabwat ni Benipayo sa BFP.

Nakakulong na si Benipayo sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

 

PNA