Inispluk ng showbiz insider na si Rose Garcia ng "">Marites University" ang pahayag ng Kapamilya actress na si Dimples Romana kung ano na nga ba ang pinagkakaabalahan ng kaniyang kaibigang si Angel Locsin.

Matatandaang halos isang taon na ring hindi nagpaparamdam sa showbiz o kahit sa social media ang award-winning Kapamilya star, na kasal na sa film producer na si Neil Arce.

Sey ni Dimples, hindi naman daw siya na-ooffend kahit paulit-ulit na tinatanong ng mga tao kung ano na nga bang updates sa kaniyang kaibigang matagal nang nasa hiatus. Alam daw kasi niyang maraming nakaka-miss dito.

Sagot ni Dimples, nasa kanilang bahay lang daw si Angel at ineenjoy ang pribadong buhay kasama ang mister.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Bagay na para kay Dimples, masaya siya sa kung anuman ang desisyon ng kaibigan ngayon dahil ito rin ang wish niya kay Angel noon; na mag-slow down na muna, lalo na't grabe rin ito pagdating sa pagtulong sa kapwa. Hindi na raw kasi sila bumabata.

Sa ngayon daw ay inaalagaan ni Angel ang sarili niya katuwang ang kaniyang mister. Ibig sabihin, hindi totoo ang mga tsikang hiwalay na sila.

"Ineenjoy niya ang married life niya, tahimik ang buhay niya, ang saya-saya ko para sa kaniya..." ayon pa raw kay Dimples.

Kaya tingnan na lang daw ang muling pagbulaga ni Angel dahil tiyak daw na manggugulat ito.