Inaasahang patuloy na makaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa Northern at Central Luzon ngayong Huwebes, Oktubre 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated light rains ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon dahil sa amihan.

Wala naman umanong matinding epekto ang mga pag-ulan sa mga nasabing lugar.

Samantala, posibleng makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.