Hindi nakaligtas sa mga mata ng nagmamarites na netizens ang makahulugang komento ni Abigail Rivero, nanay ng basketball player-actor na si Ricci Rivero, nang i-flex at ilantad niya sa publiko ang relasyon nila ng konsehala mula sa Laguna na si Leren Mae Bautista.

"Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay," bahagi ng Instagram post ni Ricci para kay Leren Mae.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

View this post on Instagram

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)

Sa comment section, makikita ang reaksiyon at mensahe ng tatay ni Ricci na si Ruzcko Rivero para sa kanilang dalawa.

Hindi rin nagpahuli ang ermat ni Ricci na si Abigail Rivero.

Aniya, "'Walang niloko at walang nanloko' sadyang hindi lang sila ang gustong magkatuluyan ng tadhana…"

Bagama't walang binanggit na pangalan, naniniwala ang mga netizen na ang tinutukoy ni Abigail ay ang naging relasyon ng nagkahiwalay na sina Ricci at Kapamilya star Andrea Brillantes.

Pagkatapos ay nagbigay pa ng saloobin si Abigail patungkol sa "toxic environment."

"Have you ever wondered why some relationships work out while others don’t? It can be annoying when you want to be with someone, specially when you know you gave your ALL, but it just doesn’t seem to be working out."

“'God will end a relationship if it’s TOXIC'. If you're in a toxic environment, you do not need to 'get used to it for a long time' or 'just get over it.' God wants you to remove yourself from these situations. God will even help you set up an unthinkable escape… Just learn to LISTEN!"

"The truth is, if it’s meant to be, it will happen. When God wants you with someone, He will make it happen. Meanwhile,

a healthy relationship is one in which there is oneness of goals, purpose, VALUES & BELIEFS. Keep your relationship healthy by LISTENING, talking, accepting, managing conflict, making time for each other and praying together."

"May Father God almighty bless you both! 🩵🩶🩵," aniya pa.

Samantala, sa kaniyang Instagram post naman ay ibinida ni Ruzcko ang larawan nina Ricci at Leren Mae at tila naging makahulugan din ang kaniyang caption dito.

MAKI-BALITA: Tatay ni Ricci Rivero, sinabihang ‘kunsintidor’

MAKI-BALITA: Tatay ni Ricci aprub kay Leren; cryptic post, pasaring kay Andrea?