Sumalang ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Oktubre 24.

Isa sa mga itinanong sa kaniya ng “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ay kung ano ang hangad niya sa dating ka-love team na si Bea Alonzo na malapit nang makasal.

Matatandaang engaged na si Bea kay Dominic Roque matapos nitong mag-propose sa aktres noong Hulyo.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo at Dominic Roque, engaged na!

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Gusto kong mag-enjoy siya. Gusto kong maging masayang-masaya siya sa bagong yugto na pinapasok niya. Kasi mula noon, kilala ko na siya. Hanggang ngayon,” saad ni John Lloyd.

Napakabuti raw kasi ni Bea hindi lang sa kaniya kundi pati sa pamilya at sa mga tao sa ginagalawan nilang industriya.

Dagdag pa ni John Lloyd: “So, ngayon gusto niyang bumuo ng sariling pamilya, sigurado ‘yun din ‘yung magma-manifest sa binubuo niya. I’m really happy for Bea.”

“At a certain point ba, na-bother ka, Lloydie, because of the very successful tandem na pinipilit kayo ng tao, naming mga fans, na sana kayo ang magkatuluyan?” tanong ni Tito Boy.

“Mahirap sabihing hindi,” sagot ni John Lloyd, “para akong nagsisinungaling kung sasabihin kong kahit isang beses hindi ako nailang sa gusto ng tao at hindi siya sumagi sa isip mo, di ba.”

Pero sabi niya, hindi raw nila pinag-usapan ni Bea ang tungkol doon kahit kailan.