Usap-usapan ang naging sagot ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa isang episode ng noontime show na "It's Your Lucky Day" matapos niyang sagutin ang tanong ng kapwa host na si Luis Manzano, kung may desisyon ba silang ginawa sa buhay nila na pinagtatawanan na lamang nila ngayon.

"Andrea, ikaw, desisyon na ginawa mo dati na ngayon kaya mong pagtawanan na lang?" untag ni Luis.

Sey ni Andrea, 'Yung grabe, nagmahal ako nang sobra sa mga taong hindi naman deserve ‘yung pagmamahal na binigay ko. Grabe po kasi akong magmahal… ako ‘yung tipong kahit galing taping, pagod na pagod na ako, ako pa rin magtitiklop ng damit, color-coordinate ko pa lahat."

"Naglilinis ako, ganiyan. Ngayon, napagtatawanan ko na siya na, 'Ba’t ko ba ginawa ‘yun para sa taong ‘yan?'"

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dahil dito, bagama't wala namang tinukoy ang aktres kung sino sa mga taong sinasabing minahal niya ang ginawan niya nang ganito, hindi naman maiwasang maikonekta ito sa recent ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero.

Matatandaang nag-viral ang naging pahayag ni Andrea sa vlog kasama si Vice Ganda nang sabihin niyang may ex siyang hindi nagpapa-laundry ng isang taon.

Bagama't hindi naman tinukoy kung sino, idinikit ito ng mga netizen kay Ricci.

Anyway, narito naman ang reaksiyon ng mga netizen patungkol sa naging pahayag ni Blythe.

"akala ko ba di naglalaba? bakit ka nagtutupi?"

"at least may natutunan na sya ngayon.."

"Andrea is very matured mag-isip that's why I liked her. At the age of 20 ganyan ba kayo mag-isip noon? Siya iba sya eh, a very responsible girl. Hindi naman perfect ang life dami talaga tayong lapses or wrong decision in life, okay lang 'yun at least we learned from our mistakes, chill."

"Eh pinaglaba mo na lang sana baka natuwa pa hahaha."

"bata ka pa Andrea baka yang akala mo pagmamahal na sinasabi mo ay hindi pag mamahal kundi isang obsession .Experience yan para matuto ka sa susunod na relationship mo,madami ka pa ma experience hanggang sa dumating na ang totoong pagmamahal na deserved mo.Walang masama sa pag kakamali kasi jan ka matututo at magiging matured."

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens