Ipinagtanggol ni showbiz columnist Cristy Fermin si Jinkee Pacquiao sa kaniyang programang “Cristy Ferminute” noong Lunes, Oktubre 23. 

Pinutakti kasi ng panlalait ang isang video ni Jinkee sa TikTok habang siya ay kumakanta ng “Paubaya” ni Moira Dela Torre. Nasobrahan na raw kasi siya sa pagpaparetoke at hindi na umano maganda ang nagiging resulta nito sa kaniyang mukha.

“Napansin ko nga na ‘yung kaniyang bibig ay lumaki. ‘Yung kaniyang ilong ay tumaas. Ang kaniyang cheekbone, tumaas din,” sabi ni Cristy.

Pero paliwanag ng showbiz columnist, may pera naman kasing gagastusin si Jinkee anoman ang gustuhin nito para sa sarili. Saka wala naman itong inabalang tao sa ginawa nitong pagpaparetoke. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Ibigay na natin sa kaniya ‘yun. Tutal naman ikaliligaya niya ‘yan, e. Kaya nga niya ginagawa ng paulit-ulit, e,” dagdag pa ni Cristy.

Pero paalala niya, hindi umano dapat masaktan si Jinkee dahil kapansin-pansin naman talaga ang pagbabago sa mukha nito. Kung ayaw nitong maokray ng netizens, mas mabuting huwag na lang sana itong magi-flex ng mga picture.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay din ng komento si Cristy kay Jinkee matapos mapansin ng ilang netizen ang pagkakahawig nito sa artistang si Kristine Hermosa. 

MAKI-BALITA: Cristy Fermin sa pagkakahawig ni Jinkee kay Kristine Hermosa: ‘Dumaan sa maraming retoke’