Walang karapatang tutulan ng China ang pagkukumpini ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

“So for me, China has no right to tell us not to repair that while they themselves have created these artificial islands,” pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. sa ginanap na forum sa Maynila nitong Miyerkules.

“Hindi naman tayo nakialam. Hindi naman natin sinabi, 'Don't do that.' Hindi naman natin sinabi, 'Don't bring missile systems into these artificial islands.' Sila ngayon kinalampag. Napakalaking imbalance,” aniya.

Iginiit ni Brawner, mayroong karapatan ang Pilipinas na kumpinihin ang BRP Sierra Madre dahil isa itong commissioned Navy ship ng Pilipinas kahit na-stuck ito sa Ayungin Shoal.

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Gayunman, nanindigan ang Chinese Embassy na nasa teritoryo ng China ang Ayungin Shoal na tinawag dinv Ren'ai Jiao.

Nilabag din umano ng Pilipinas ang territorial sovereignty ng China matapos magpadala ng mga barko ang gobyerno sa lugar.

Kamakailan, nagpadala ang gobyerno ng materyales sa nasabing barko upang makumpini ang kinakalawang na barko at upang mabigyan na rin ng disenteng tulugan ang mga tropa ng pamahalaan na nakatalaga sa naturang barkong nagsisilbing military outpost ng Pilipinas.