Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Zamboanga del Norte nitong Martes ng gabi, Oktubre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:53 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 56 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Siocon, Zamboanga del Norte, na may lalim na 6 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Siocon, Zamboanga del Norte.

Kiko Pangilinan, nanawagang imbestigahan ang ticket scalping sa bansa

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Siocon, Zamboanga del Norte 

Intensity I - City of Zamboanga 

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.