Pinalagan umano ni Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista ang haka-haka at paratang ng mga netizen na baka siya raw ang babaeng naabutan ni Andrea Brillantes sa condo unit ng ex-boyfriend nitong si Ricci Rivero, na jowa na niya ngayon.

Ayaw kasing tantanan ng mga netizen si Leren Mae lalo na ngayong kumpirmado na ang kanilang relasyon ni Ricci at lumantad na sila sa publiko.

Paalala raw ni Leren Mae sa bashers, mag-ingat sila sa mga akusasyong ibinabato sa kaniya dahil puwede niya silang sampahan ng demanda.

Mabuti pa raw, diretsahin na nilang tanungin si Blythe tungkol dito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“To all her fans, to end this, ASK HER. And the truth will set us all free!” sagot umano ni Leren Mae sa kaniyang basher.

Matatandaang isa sa mga pasabog ito sa naging hiwalayan ng dalawa.

Sa naging panayam naman kay Ricci sa "Fast Talk with Boy Abunda," itinanggi niyang girlfriend o "sa kaniya" ang babaeng sinasabing nahuling nakatapis pa ni Blythen sa kaniyang condo unit nang bigla itong manorpresa at mambulaga.

MAKI-BALITA: Nag-leak na video, pinagpiyestahan; Babae naispatang nakatapis lang sa condo ni Ricci?

MAKI-BALITA: Andrea kinontra mga rebelasyon ni Ricci; may shocking na pasabog tungkol sa bebot

MAKI-BALITA: Ricci Rivero, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes