Nawindang si “Unbreak My Heart” star Jodi Sta. Maria sa naging tanong sa kaniya ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa programa ng huli nitong Lunes, Oktubre 23.

“How was it kissing Joshua Garcia?” usisa ni Tito Boy.

“Oh, my God! Sorry, ano ba? Ginulat mo ‘ko sa question na ‘yan,” sagot ni Jodi.

Natawa tuloy si Tito Boy.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“It was great! Charot!” natatawang pahabol ng aktres.

Depensa naman niya: “Siyempre nasa scene ‘yun. Kailangan kasi talagang passionate. Ganoon ‘yung encounter with Renz. Ang iniisip ko na lang, si Renz ‘to.”

Ayon pa kay Jodi, noon lang daw siya ninerbiyos nang ganoon sa isang passionate na eksena. Pero nakatulong umano na sumalang sila sa sensuality workshop.

“Kasi, Tito Boy, importante na ma-set ‘yung boundaries, e. Doon sa mga ganoong klaseng eksena. Siyempre para magkaroon ng trust sa ka-eksena mo. And at the same time di ba ‘yung alam ninyo na nirerespeto kita. I won’t make you feel violated,” paliwanag pa niya.

Matatandaaang ginulantang nina Jodi at Joshua ang mga Kapuso at Kapamilya fans nang masaksihan nila noong Abril ang higupan nilang dalawa sa trailer ng “Unbreak My Heart”.

MAKI-BALITA: ‘Matapos kina Janella, Jane!’ Joshua, hinigop si Jodi

Sa panayam naman kay Joshua sa nabanggit na talk show ni Boy, nabanggit nga niya ang sensuality workshop na pinagdaanan nila ni Jodi bago sumabak sa kanilang mainit na eksena sa show.

MAKI-BALITA: ‘Werpa ng dila!’ Joshua Garcia umamin kung paano ‘humigop’ sa personal na buhay