Kahit na lumabas ang 2015 Facebook post ni Pilar Mateo, ang dating publicist ni "King of Rap" Francis Magalona na nagke-claim na kasal sila ni Pia Magalona sa Hong Kong, iginiit ng concert producer at dating aktor na si Robby Tarroza na hindi ito kinikilala sa Pilipinas, dahil kasal pa si Pia sa isang nagngangalang "Lim."

Naging usap-usapan kasi ang pasabog na rebelasyon ni Tarroza sa kaniyang post nitong Oktubre 21 tungkol sa relasyon nina Francis M at Pia; aniya, naibahagi sa kaniya ni Francis na kaya naghiwalay raw sila noon ni Pia ay dahil hindi na nito makayanan ang ugali nito.

Sa panibagong Facebook post ni Tarroza, iginiit niyang hindi kasal sina Francis at Pia sa Pilipinas.

"Uulitin ko po, Di sila kasal sa Pilipinas dahil may asawa na si Pia. Lim ata ang apelyido nun. In short, kabit si Kiko sa papel," aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Tarroza, sinabi niyang malinaw namang nakalagay sa nauna niyang Facebook post ang kaniyang claim.

Tungkol naman sa claim ni Mateo, sinabi ni Tarroza na totoo naman ito, subalit hindi iyan kinikilala sa Pilipinas.

"Yes, true. But not recognized sa Pinas," aniya.

"Aralin sana nila ang batas tungkol sa marriage in the Philippines."

Bilang epekto ng kaniyang pag-post ay kaliwa't kanan ang bashers ni Tarroza sa kaniyang post subalit game naman niya itong sinasagot isa-isa.

"In the end lahat ng mga basher at trolls na 'yan, mapapahiya sa katotohanan," giit pa niya.

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang kampo ni Pia hinggil sa isyu. Nakipag-ugnayan ang Balita sa kaniyang kampo sa pamamagitan ng email at social media platforms niya subalit wala pa siyang tugon. Nananatiling bukas ang Balita sa kaniyang panig.

MAKI-BALITA: ‘Resibo’ ng kasal nina Francis M at Pia sa Hong Kong, nakalkal

MAKI-BALITA: Francis M sumaya sa piling ng iba, di kaya ugali ni Pia — producer Robby Tarroza

MAKI-BALITA: Rebelasyon ng concert producer: Pia, di kasal kay Francis M?