Matapos lumabas ang pasabog ng concert producer na si Robby Tarroza hinggil sa naging pagsasama nina Francis Magalona at Pia Magalona, nakalkal naman ang lumang Facebook post ng dating publicist ng rapper na si Pilar Mateo, na nagpapakita ng lumang larawan ng dalawa noong ikasal daw ito sa Hongkong.

Batay sa post, noong July 6, 2015 ay nagbahagi ng larawan si Mateo na nagpapakita ng kasal nina Francis at Pia.

Naka-tag ito sa Facebook accounts nina Pia at anak na si Maxene Magalona, gayundin ang talent manager/columnist na si Noel Ferrer.

Mababasa sa caption, "Wedding in HongKong of Francis Magalona and Pia Pia Maria Arroyo Magalona."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa comment section ay nagbigay ng kaniyang komento si Pilar.

"Haha ipo post ko ba 'yan if that's not me #throwback nga haha."

"Been FM's publicist for a very long time!"

"Kaya 1980 pa lang nagpi-PR na ako sa "Annaliza" (to the late Julie Vega, pati kay Roderick Paulate) 😉 and Ms. Cielito del Mundo)"1980 to be exact righr after graduating from UST-AB-Journalism 🙂."

Batay sa post, pinabubulaanan nito ang sinabi ni Tarroza na hindi umano kasal si Pia kay Francis.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Robby o ni Pia sa post na ito ng dating publicist ni Francis M.

MAKI-BALITA: Francis M sumaya sa piling ng iba, di kaya ugali ni Pia — producer Robby Tarroza

MAKI-BALITA: Rebelasyon ng concert producer: Pia, di kasal kay Francis M?