Tampok sa pa-blind item ng “">Marites University” kamakailan ang isa umanong “up and rising star” na inokray ang sariling project.

Ayon kay DJ Jhai Ho, hindi raw ito ang unang proyektong ibinigay sa aktres bagama’t ito umano ang biggest break na natanggap nito dahil puro supporting role lang ang nakukuha.

“Ang tsika, sabi n’ong nakarinig, parang bilang bida siya, may nakarinig na kapuwa artista…sakto mismo nasa dressing room siya, may nakarinig na artista na ‘pangit-pangit naman ng serye na ‘to’,” kuwento ni Jhai Ho.

Dagdag pa niya, sinabi umano ng aktres na mukhang hindi naman magki-click ang seryeng pinagbibidahan nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kaya naman, na-shookt daw ang iba nang makarating sa kanila ang reaksiyon ng aktres. Imbis kasi na ito ang unang maniwala sa project, aba’y nilait pa.

Nagbigay naman ng clue si Jhai Ho nang mag-request ang co-host niyang si Ambeth Nabus:

“Siya ay natambal sa isang aktor kung saan after yata nilang gawin ‘yung teleserye naging jowaan sila, ganoon.”

Sabi pa ni Jhai Ho: “Ang pangalan nito ay pwedeng ‘yung tunog niya ay pang-isang letra lamang. Pero hindi isang letra kapag ini-spell.”

Dahil sa sinabing ito ni Jhai Ho, tila nagkaroon ng ideya ang netizens kung sino ang kaniyang tinutukoy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento na makikita sa comment section ng vlog:

“2nd BI: #BIDANGMAREKLAMO Elle Villanueva - sounds “L” pero madaming letters (derick monasterio) jowa”

“ung BI ni Dj Jhaiho- Elle Villanueva ung upcoming show nya is Makiling dba ang clue ung name tunog isang letra .Elle= ‘L’”

“Ay, elle villanueva wala ka pang napapatunayan girl. Feel ko nagreklamo siya kasi di primetime. Te, signs of lumalaki na ang ulo mo. Buti pa si thea walang reklamo.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Elle Villanueva sa mga paratang ng netizen sa kaniya, o sa pangalang lumutang upang hulaan ang blind item.