
(PNA)
Na-cite in contempt sa Kamara: Ex-aide ni suspended LTFRB chief Guadiz, kulong
Sampung araw na mananatili sa detention facility ng House of Representatives si Jeff Tumbado, dating executive assistant ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos i-cite in contempt ng mga kongresista.
Nagpasya ang House Committee on Transportation nitong Lunes na i-contempt si Tumbado matapos mabigong masuportahan ang alegasyon nito na talamak ang korapsyon sa ahensya.
Si Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta ang nagmungkahi na ikulong muna si Tumbado matapos ihayag sa pagdinig ng Kamara na wala siyang "direktang ebidensya" na nagdadawit kay Guadiz at sa LTFRB sa alegasyon.
"I don't have direct evidence. Dahil lang po ito sa mga sumbong sa akin ng mga operators na sobrang taas ng hinihingi para sa provisional authority," ani Tumbado. Wala po akong direktang kaalaman na sangkot si Chairman Guadiz dito sa korapsyon na ito," sabi pa ni Tumbado.
PNA