Hahatulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nahaharap sa disqualification cases dahil sa iba’t ibang paglabag.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ngayong linggong ito o bago ang mismong araw ng halalan sa Oktubre 30, ay mailalabas na nila ang desisyon hinggil sa kinakaharap na disqualification cases ng mga naturang kandidato.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa isang panayam sa radyo nitong Linggo, sinabi ni Garcia na mayroong 7,000 kandidato ang inisyuhan nila ng show cause orders at pinagpapaliwanag dahil sa pagkakasangkot sa premature campaigning.

Kinumpirma rin naman ni Garcia na 200 sa mga naturang kandidato ang nahaharap na sa disqualification cases.

Samantala, mayroon na rin namang 10 kandidato ang nasampahan ng kasong diskuwalipikasyon dahil naman sa umano’y vote buying o pamimili ng boto.

Nasa 341 kandidato na rin aniya ang inisyuhan ng show cause orders ng poll body at maaaring masampahan ng disqualification cases dahil sa ilegal na pagkakapaskil ng kanilang mga campaign materials.

Matatandaang noong Oktubre 19, umarangkada na ang 10-araw na campaign period para sa 2023 BSKE, at nakatakda itong magtapos sa Oktubre 28.