Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang naganap na banggaan ng mga barko ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal nitong Linggo ng umaga.

Sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO), binanggit na nagpatawag ng command conference si Marcos nitong Lunes, Oktubre 23 kung saan inatasan nito ang Philippine Coast Guard (PCG) upang magsagawa ng imbestigasyon sa usapin, alinsunod sa international maritime law.

Nag-ugat ang usapin nang magsagawa ng mapanganib na pagmamaniobra ang barko ng China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia upang harangin ang resupply boat ng pamahalaan at barko ng PCG habang naglalayag patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Kaugnay nito, inihayag naman ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na paglabag sa international law ang naging hakbang ng Chinese government laban sa tropa ng gobyerno sa nasabing lugar.

Pinasalamatan din ni Teodoro ang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas, kabilang na ang United States, Japan, Australia, Germany, Canada, Netherlands, United Kingdom at European Union, sa pagkondena sa China kaugnay ng insidente