Nakatakdang umuwi sa bansa ngayong Lunes ang 25 pa na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel dahil na rin sa tumitinding giyera sa nasabing bansa.

Sa Facebook post ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Oktubre 23, nakipagkita muna sina Philippine Ambassador to the United Arab Emirates (UAE) Alfonso Ferdinand Ver at Consul General Marford Angeles sa mga nasabing manggagawa habang naghihintay ang mga ito ng kanilang flight sa Abu Dhabi International Airport pauwi ng Pilipinas.

Nitong Oktubre 18, umuwi sa bansa ang 15 caregivers, isang hotel employee at isang sanggol matapos silang makaligtas sa giyera sa naturang bansa.

Nasa 18 pang Pinoy workers sa Israel ang dumating sa bansa nitong Oktubre 20.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Pinagkalooban na rin sila ng repatriation assistance package upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.