Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 11:21 ng gabi nitong Sabado, Oktubre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 46 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Kiko Pangilinan, nanawagang imbestigahan ang ticket scalping sa bansa

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.