Sinagot ng basketball player na si Ricci Rivero ang X post umano sa kaniya ni Bea Borres noong Sabado, Oktubre 21.

“lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no,” mababasa sa X post ng nakapangalang account kay Bea Borres.

https://twitter.com/bela_delapasion/status/1715692652530999433

Matatandaang isinapubliko na ni Ricci sa parehong araw ang relasyon nila ni beauty queen at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

Pero bago pa man ito, nauna nang pinabulaanan ni Leren ang kaniyang romantic involvement kay Ricci.

MAKI-BALITA: Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero

Tila hindi naman nakapagpigil si Ricci sa naging pahayag ni Bea kaya sinagot niya ang huli kahit wala namang binabanggit na pangalan ang huli:

“puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? 😅 Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”

https://twitter.com/_ricciiirivero/status/1715756525426491392

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing tweet ni Ricci. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:“Yabang! Porket nakahanap na ng labandera ems!”

“maasim ka parin”

“Gagalet na yung dugyot 😂. Sino ba una nagpa interview after break up? Sino clout chaser na nag propose during basketball game? Pwde naman umamin na lang na walang shade, parang ikaw pa yung victim at ginamit ng ex mo, dasal ka na lang uli sa pader , sama mo Tita mong labandera”

“Natamaan ka ata ,wala naman syang binanggit na pangalan 😂”

“hoy patolera ka sa babae wala namang minemention na name nagclaclaim ka agad the nerve💀”

“Tangenamo ricci daig moba babae sa pagkatalikitak mo HAHAHHA #riccinamaytagalabana”

“Ang mature na ng syota mo bui di ka prin natuturuan maging MATURE? GUILTY? HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA”

“Kung labasan daw ng labada panalo ka na daw haha. pikon na ang koya mong ricci.”

Samantala, hindi pa kinukumpirma ng kaibigan ni Andrea Brillantes, ex-girlfriend ni Ricci, kung siya nga ang nag-post nito, o kung tungkol sa pag-amin nina Ricci at Leren Mae ang nabanggit na pasaring.