Nagbigay ng reaksiyon si showbiz columnist Ogie Diaz sa “Showbiz Updates” nitong Sabado, Oktubre 21, tungkol sa naging pahayag ng ama ni Liza Soberano na si John Castillo Soberano sa isa nitong shared post.

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo na ang premiere date ng debut Hollywood film ni Liza na pinamagatang “Lisa Frankenstein”. 

MAKI-BALITA: Debut Hollywood film ni Liza Soberano, nag-anunsyo na ng premiere date

Kaya naman hindi napigilan ni John na magbahagi ng saloobin sa caption ng kaniyang ibinahaging post ng ABS-CBN News.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“I can’t wait ano ilalabas ng mga camp ng Cristy Permin & Ogie D ngaun…” saad ni John.

Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda na may tampo umano siya sa dating manager na si Ogie matapos siyang tawaging ungrateful ng huli.

MAKI-BALITA: Liza, may tampo kay Ogie Diaz: ‘It feels like he’s trying to ruin me’

Bukod pa rito, nakatanggap din si Liza ng batikos mula sa isa pang showbiz columnist na si Cristy Fermin dahil tila napag-iiwanan na umano ito ng kasabayang si Kathryn Bernardo.

MAKI-BALITA: Liza hindi man lang daw umungos kay Kathryn, sey ni Cristy

Pero ayon kay Ogie, ano namang ilalabas niya kung sakali? Kaya binati na lang niya si Liza para sa tagumpay nito sa debut Hollywood film. 

“‘Yun lang naman ang sasabihin ko, Daddy. Ano bang inaasahan mo? Di ko gets si Daddy. Dapat nga, Daddy, hindi ka nag-iimbita ng mga pang-iintriga, ng away. Dahil wala namang umaaway kay Liza. At wala namang umaaway sa ‘yo, di ba. So, dapat ano na lang tayo, positivie lang sa buhay,” saad pa ni Ogie.