Ibinahagi ng showbiz columnist na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Oktubre 20, ang ginawang pagtulong sa kaniya ni Senador Bong Revilla, Jr.

Ayon kay Lolit, na-ospital umano siya nang sampung araw bagama’t hindi na niya idinetalye pa sa post kung ano ang naging dahilan. 

Pero matatandaan na noong nakaraang taon ay humingi siya ng panalangin para sa mabilis niyang paggaling.

MAKI-BALITA: Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Salve gusto ko lang ihabol na dahil napaka-lucky ko talaga na meron Bong Revilla na magbabayad ng 250K sa 10 araw lang na confinement. Mayroon pa rin mga angels na tulad nila Mama Alice Eduardo, Enrico Roque, Usec Honey Rose, at PBBM na talagang nakaabang para tulungan ako,” pahayag ni Lolit.

Dagdag pa niya: “Imagine mo ang luck ko na magkaroon ng angels na tulad nila. Talagang napaka-blessed ko sa mga taong handa akong tulungan. Kaya naman sa pamamagitan lang nito ko nagagawa magpasalamat.”

Talagang “heaven” umano ang pakiramdam ni Lolit dahil mismong ang presidente ay concern sa kalagayan ng kaniyang kalusugan.