Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo, Oktubre 22, na nagkaloob ito ng tulong sa ikalawang batch ng mga Pilipinong nakauwi na sa Pilipinas mula sa Israel.

Matatandaang nakarating na rin sa bansa noong Biyernes, Oktubre 20, ang ikalawang batch ng Pinoy repatriats na binubuo ng 18 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera doon.

Kaugnay nito, ayon sa DSWD, may kabuuang 34 OFWs na ang natulungan ng ahensya mula nitong Sabado, Oktubre 21, sa pamamagitan ng probisyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

National

18 pang OFWs mula sa Israel, dumating na sa bansa

Nakatanggap umano ang bawat repatriated OFW ng ₱10,000 cash aid at food assistance na nagkakahalaga rin ng ₱10,000.

“The DSWD will continue to monitor the situation of our fellow Filipinos who arrived from Israel. We will also provide other augmentation support if needed,” ani Assistant Secretary for Strategic Communications at DSWD spokesperson Romel Lopez.

“We will also endorse them to their respective DSWD Field Offices for possible provision of additional services,” dagdag pa niya.

Samantala, nangako rin umano ang Department of Migrant Workers (DMW) na magkakaloob ito ng livelihood, financial support, at job facilitation sa pamamagitan ng reintegration program nito.