Kinaaliwan ng mga netizen ang post ng aktres at komedyanteng si Donna Cariaga tungkol kay Diamond Star Maricel Soriano sa kaniyang Facebook account kamakailan.

“Lalayo muna ako kaunti, baka nananampal ng kulot si inay. Kamukha ko pa naman si Kim Chiu! Emz!” saad ni Donna sa caption ng kaniyang post.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ni Kim Chiu ang kaniyang karanasan nang masampal siya ng nag-iisang Maricel sa teleseryeng “Linlang” ng Prime Video.

MAKI-BALITA: Kim nayanig sa sampal ni Maricel: ‘Tinuhog mo dalawang anak ko!’

Pasabog ni Doc Willie Ong: 'Politicians are corrupt in the Philippines!'

Humakot naman ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post ni Donna. Narito ang kanilang mga komento:

“ikaw daw yung ka-double ni kim pag sasampalin na 😆”

“Huling nasampal nyan ni inay until now maga parin yung Mukha ingat 😌”

“Iba na aura ng Inay ..@Donna Cariaga ..be alert!🤣”

“haha ilang paligo lng nmn eh..kahawig muna😅😅”Agwat agwat ay talaga naman kainaman ang sampal na iyon😅😆😀”

“Lumayo ka na diyan... Lapit ka sa akin... Ayiiehh”

“bhie ingat ka sa kaliwang kamay, mukhang mainit pa naman ulo ni Amelia😅”

“Tatabingi mukha mo Jan🤣”