Kinaaliwan ng mga netizen ang post ni Ramil Torres Ramos sa isang Facebook online community noong Biyernes, Oktubre 20.

Ibinahagi kasi ni Ramil ang larawan ni Juan Luna kasama ang kaniyang larawang hawig na hawig hitsura ng bayani at pintor.

“To my dad, Juan Luna, for 39 years nanahimik kami, we didn’t say anything. Siguro naman ito na lang ‘yung karapatan na pwede kong magawa. I know people will judge me, pero I exist!” sabi pa niya sa caption ng kaniyang post na hango sa dialogue ng ex-lover ni Master Rapper Francis Magalona na lumantad kamakailan.

Photo courtesy: Ramil Torres Ramos (FB)

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Photo courtesy: Ramil Torres Ramos (FB)

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

Sa eksklusibong panayam ng Balita, nagulat daw siya nang mapagtanto noong 2013 na kamukha niya pala si Juan. 

Sabi pa niya, bagama’t hindi naman niya masyadong napapansin ang pintor at bayani, may isang bagay na nakapukaw sa kaniyang interes tungkol dito.

“Di ko naman masyadong napapansin noon. Maliban syempre na isa siyang magaling na pintor. Pero mas naging interesado ako sa kwento ng crime of passion niya noon.”

Tinanong din siya kung ano sa palagay niya ang posibleng gawin ni Luna para sa bayan kung sakali buhay pa ito.

“Mag-paint tapos ibenta kay Boss Toyo. Joke!”

Sa huli, nagbigay siya ng maiksing mensahe para sa mga kapuwa Pilipino. Sabi niya, ‘wag magpapadala sa emosyon.