Matapos ang ilang buwang espekulasyon, ibinunyag na ng basketball player na si Ricci Rivero ang tunay na estado ng relasyon nila ni Beauty Queen at Los Banos, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Sa isang Instagram post nitong Sabado, Oktubre 21, nagbigay-mensahe si Ricci sa kaniyang “real queen.”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“To the girl who i see as a real QUEEN 👑 With all the wrongs hounding me , I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve,” saad ng basketball player.

Dagdag pa niya, hindi raw sila magtatago ng kaniyang nobya dahil wala naman daw dapat ikahiya.

“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay,” aniya.

“I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better. Thank you for being so selfless and simple,” mensahe pa nito.

Nangako naman si Ricci sa kaniyang nobya.

“I promise to never again live a life manipulated by someone’s fantasy. This is our story, hindi dapat iba ang mag kwento ng storya nating dalawa! ♥️”

Matatandaang bago ang rebelasyon na ito, nauna nang na-link si Ricci kay Leren Mae nang kumpirmahin ng una ang hiwalayan nila ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

Maki-Balita: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet

Gayunman, pinabulaanan ng beauty queen ang usap-usapang mayroon siyang “romantic involvement” sa basketball player.

Maki-Balita: Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero

Hanggang sa naiispatan na umano sila sa iba’t ibang lugar kagaya na lamang sa isang amusement park sa Laguna.

Maki-BalitaRicci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

Maki-BalitaRicci, Leren Mae namataang ‘palakad-lakad’ daw sa isang park sa Laguna

At kamakailan, magkasamang manood sina Ricci at Leren Mae sa laban ng UP at DLSU sa UAAP game.

Maki-Balita: Ricci, Leren magkasamang nanood ng UAAP game; flinex ang isa’t isa