Inamin ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na kung mabibigyan ng pagkakataon, nais niyang gumanap sa isang proyekto bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ama ng kasalukuyang pangulo ng bansa na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. o PBBM.

Sa ulat ng Manila Bulletin, naganap ang pag-amin sa isinagawang media conference para sa promotion ng kaniyang concert na "An Ultimate Night With Piolo" sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City, na naganap nitong Oktubre 20 ng gabi.

Nagawa na raw niya ang portrayal sa pinakamahigpit nitong kritiko na si dating senador Ninoy Aquino, kaya nais naman daw niyang maranasang maging "Macoy."

"This one is intriguing. All my life, I wanted to do a story about Marcos. Ferdinand Marcos. I grew up not during Martial law. I was born in 1977. "

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

"But I was alive during the EDSA Revolution. So, I grew up during Marcos' time. So yun lang. Nagawa ko na yung NInoy sa 'MMK' and I find that person interesting."

Dagdag pa niyang biro, "Siguro in three years, kapag may edad na ako. Thirty pa lang kasi ako ngayon eh."

Well, ano nga kaya kung kunin siya ni Direk Darryl Yap kung sakaling gumawa ulit siya ng pelikulang nagtatampok sa pamilya Marcos?

Anyway, sa nabanggit na mediacon din na ito, pabirong sinagot ni Piolo ang tungkol sa isyung nabuntis niya ang rumored girlfriend na si Shaina Magdayao, at kung may balak pa ba siyang mag-asawa.

MAKI-BALITA: Piolo Pascual mag-aasawa lang ‘pag tuli na