Nanawagan na ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa giyera ng Israel at Hamas na iuwi na kaagad sa Pilipinas ang bangkay nito.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Sa pahayag ni Paterna Prodigo, 72, taga-Maasin, Iloilo, kahit ang bunso nilang si Mary June Prodigo na nagtatrabaho rin sa Israel, ay hindi pa rin nakikita ang bangkay ng kanyang kapatid na si Grace Prodigo-Cabrera na nauna nang naiulat na natagpuan sa isang taniman sa Kibbutz Be’eri.

Aniya, limang taon nang nagtatrabaho si Grace sa Israel bilang caregiver.

Mas pinili aniyang sumama ni Grace sa mga miyembro ng Palestinian militant group na Hamas upang mailigtas ang inaalagaang amo na mahigit 80 taong gulang.

Nakilala ang bangkay ni Grace sa pamamagitan ng fingerprints.

Kaugnay nito, nangako naman si Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. na tutulungan nila ang pamilya ng nasawing OFW.

“We continue to work with our OWWA and the Department of Migrant Workers and the family so we can help,” anang gobernador.

PNA