Ibinahagi ni Ambet Nabus sa isang episode ng Marites University noong Biyernes, Oktubre 20, ang napag-usapan nila sa isang dinner kasama si Diamond Star Maricel Soriano.

Matatandaang maraming nalungkot at nagulat kamakailan nang matsugi kaagad ang karakter ni Maricel bilang “Amanda Paraiso” na lola ng mga karakter nina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Loisa Andalio sa teleseryeng “Pira-pirasong Paraiso”–ang kauna-unahang kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment at TV5.

MAKI-BALITA: Kapapasok lang: Maricel Soriano tsugi na agad sa serye

Isa sa mga itinuturong dahilan ng bigla niyang pagkatsugi ay dahil umano may on going series siya sa Prime Video which is “Linlang” kung saan niya kasama sina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM De Guzman.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Pero kasi tapos na ‘yung shoot ng ‘Linlang’,” pagdududa ni DJ Jhai Ho.

Saka kataka-taka raw na nag-launch ng napakapasabog na presscon para sa pag-entrada ni Maricel sa nasabing serye tapos tsutsugiin lang agad.

Inabangan pa nga ng mga manonood ang tapatan ng karakter niya at ng karakter na ginagampanan ng kapuwa niya beteranong artistang si Snooky Serna.

MAKI-BALITA: ‘Sinong unang mayayanig sa sampal?’ Tapatang Snooky, Maricel inaabangan

Pigil na pigil naman si Ambet na magbigay ng buong detalye sa nasabing isyu kahit may hint siya kung sino sa apat na apo ng karakter ni Maricel ang nakaalitan nito. 

“May hint ka doon sa apat na nakaalitan o wala?” tanong ni DJ Jhai kay Ambet.

“Mayroon,” natatawang sagot niya.

Sinubukan pa siyang sukulin ni DJ Jhai pero sinaway niya rin ang huli. Dahil sa oras na magbigay naman umano ang mga sangkot na tao ng permiso para i-spill ang tsaa, sa Marites University daw unang malalaman ang pasabog na ito.