Sa nalalapit na pagsapit ng Undas o paggunita sa Araw ng mga Patay, may paalala ang ilang netizens sa publiko partikular sa pagsasabit o pagsasampay ng mga puting damit o bestida sa harapan ng bahay.

Patok sa social media ang post ni "Mr. Smile" matapos niyang magbigay ng paalala na huwag naman magsampay ng mga ganitong damit lalo na't malapit na ang Undas.

"Muntik na ako maihi dito. Wag naman sa tapat ng pinto isampay ang mga ganyan," aniya sa caption.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Benta naman sa mga netizen ang nabanggit na post, na imbes na katakutan ay nagdulot ng aliw.

"Naalala ko Nung bago ako ikasal. sa huwes madalian lang, pag uwi namen Ng Gabi galing tindahan,muntik Ng mahimatay Yung Asawa ko, Kasi nilabhan ko Yung damit ko na isusuot tapos sinampay sa corridor tapat Ng pinto, pagbukas nya at papasok 😂 tatakbo sana sya dahil sa nkita nya, gulat na gulat white lady daw🤣 sabi ko ay Yung damit ko Tuyo na 😂🤣😅

Sbi nya bakit ko nmn daw dun sinampay 😂."

"yung tipong kakatapos mo lang manood ng horror sa youtube tapos pagbukas mo ng pinto ganito😂😂😂wahhhhh!"

"Mukhang white lady kasi hahaha lalo na madilim tapos puting-puti hahaha."

"Haha. Unang tingin talaga."

"Katakot haha maawa kayo."

Habang isinusulat ang cute na balitang ito ay humakot na ng 399k haha reactions, 15k shares, at 2.9k comments ang nabanggit na viral post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!