Tila pinapaamin ng social media personality na si Xian Gaza si “Parokya ni Edgar” lead vocalist at “The Voice Generations” coach Chito Miranda baka raw may anak din ito sa labas.

Nangyari ang pahayag nito nang lumabas ang balitang lumantad ang ex-lover ng master rapper na si Francis Magalona kasama ang umano’y anak nila.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Usap-usapan ngayon ang rebelasyon ng isa umanong dating flight attendant na nagngangalang Abigail Rait kung saan nagke-claim na may anak umano sila ni Francis M..

Maki-Balita: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

Kaugnay nito, sa isang Facebook post ni Xian, tila pinapaamin niya si Chito na baka raw may anak din ito sa iba.

“Chito Miranda baka may anak ka rin idol umamin ka na habang buhay ka pa,” aniya nitong Huwebes, Oktubre 19.

“ANG HASSLE LANG PO KASI SA PART NI IDOL FRANCIS M. NI HINDI NIYA MAIPAGTANGGOL YUNG SARILI NIYA SA BASHING,” dagdag pa niya sa comment section.

Bukod dito, sinabi rin niya na pumanaw na nga ang master rapper pero nagamit pa raw umano ito sa “clout-chasing.”

“IMAGINE SIYA PO AY NASA KABILANG BUHAY NA PERO NAGAMIT PA SIYA NG EX NIYA SA CLOUT-CHASING FOR FIFTEEN YEARS NANAHIMIK KA BA'T 'DI MO PA GINAWANG FIFTY,” ani Xian.

“IMBIS NA PAKITAAN MO KAMI NG DNA TEST RESULT EH PINAKANTA MO YUNG BATA HYPECCA,” sey pa niya.

Sa huling comment, sinabi ng social media personality na natatakot lang daw siya para kay Chito dahil baka raw “one day” ay may biglang lumabas na babae at kine-claim na may anak sila.

“NATATAKOT LANG AKO FOR YOU IDOL CHITO KASI BAKA ONE DAY BIGLANG MAY LUMABAS NA BABAE CLAIMING NA MAY ANAK KAYO TAPOS BIGLANG MAG-RAP NG "BAGSAKAN" YUNG BATA ANG HASSLE LANG SA PART NI NERI KUNG WALA KA NA IDOL KAYA NGAYON PA LANG SANA HABANG HINDI PA HULI ANG LAHAT ATIN-ATIN LANG HINDI MAKAKALABAS.”

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag o reaksyon si Chito tungkol sa post ni Xian.

Noong Setyembre, flinex ni Chito ang kaniyang pamilya sa isang Facebook post.

“Sobrang sarap sa puso, and sobrang comforting yung feeling na surrounded ka with so much love, and with people who genuinely care for each other,” pahayag niya sa kaniyang post.

Maki-Balita: Chito Miranda sa kaniyang pamilya: ‘They are the center of my universe’