Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:24 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 63 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sandro Marcos, hiniling ‘peace of mind’ at ‘mental clarity’ ni VP Sara

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.