Nagpahayag ng paninindigan si showbiz columnist Ogie Diaz sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Oktubre 19, tungkol sa sinabi niyang pagpapaalis sa aktor na si Baron Geisler sa teleseryeng “Senior High”.

Matatandaang isiniwalat ni Ogie na nagdadala umano ng alak si Baron sa tumbler nito. Hindi tuloy maiwasang matakot ng mga batang kasama niya sa teleserye kapag nagkakaroon na ito ng amats.

Sa sinabing ito ni Ogie sa nakaraan niyang vlog, nakatanggap siya ng paratang na sinungaling umano siya dahil matapos niyang ibalita ang nasabing isyu, nag-upload si Baron ng maikling video habang papunta siya sa set ng “Senior High”. Ibinahagi rin niya ang kuha nila ng co-star niyang si Elijah Canlas habang binabasahan ng script ni Direk Onat Diaz.

“Ang sabi sa atin, tatanggalin. May isyu naman talaga doon. ‘Yan ang paninindigan ko. At pinaninindigan ‘yan ng aking source na nagbabalak silang tanggalin si Baron Geisler,” paliwanag ni Ogie. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero natutuwa umano siya dahil sa pagpapakita ni Baron ng ebidensiya na ito ay nasa set. Ibig sabihin, tuloy pa rin ito sa trabaho. 

“Wala lang sanang makarating ulit sa akin na ‘yung mga bata iniiwasan siya. Kapag alam nila na si Baron ay hindi naman tubig ang iniinom,” sabi ni Ogie.  

Dagdag pa niya, gusto lang umano niyang magmalasakit kay Baron. Kasi kung gusto niyang mapariwara ito, hahayaan na lang niya ito nang hahayaan sa kung anoman ang gusto nitong gawin na sa huli ay posibleng ikasira ng career nito.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?