Isang Bulakenyo ang naging instant multi-milyonaryo matapos na palaring makapag-uwi ng ₱15.8 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 26-31-41-14-05-10 ng SuperLotto 6/49 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na total jackpot prize na ₱15,840,000.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabili umano ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa Norzagaray, Bulacan.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, kinakailangan lamang magtungo ng lotto winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala rin naman ang PCSO ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ang mga premyo namang hindi makubra, isang taon mula sa araw nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na suportahan ang mga palaro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.