Kukumpinihin na ng pamahalaan ang kinakalawang na BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Ipinaliwanag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang panayam sa telebisyon, idini-deliver na ang gagamiting materyales sa naturang barko.

“It was sad to see the state of the living conditions. We're trying to improve that by making sure they have at least decent sleeping facilities, decent dining facilities, internet,” pagdidiin ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.

Isinadsad ang nasabing barko sa pinag-aagawang teritoryo mula noong 1999 upang magsilbing istasyon ng tropa ng pamahalaan at naging simbolo na ito ng soberanya ng Pilipinas.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail