Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Baron Geisler sa kaniyang X account nitong Biyernes, Oktubre 20, tungkol sa isyung natatakot umano sa kaniya ang mga ‘Senior High’ co-star.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?

Matatandaang isiniwalat ni Ogie na nagdadala umano ng alak si Baron sa tumbler nito. Hindi tuloy maiwasang matakot ng mga batang kasama niya sa teleserye kapag nagkakaroon na ito ng amats.

Pinanindigan din ni Ogie ang kaniyang sinabi laban kay Baron sa isa pang hiwalay na vlog bagama’t inamin naman niyang natutuwa umano siya dahil sa pagpapakita ni Baron ng ebidensiya na ito ay nasa set. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nanindigan sa sinabi kay Baron: ‘May isyu naman talaga’

Samantala, tuluyan nang binasag ni Baron ang kaniyang katahimikan matapos niyang ibahagi ang artikulo mula sa isang online news platform.

“Clickbait fake news,” pahayag ng aktor sa X (dating Twitter).

Nagbahagi naman ang mga netizen ng kanilang reaksiyong hinggil dito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Pst! Behaved ka na? Hahahaha”

“never believed them…i am at your side idol..”

“Chief Aguierro dapat ipa-blotter mo sila charot”

“They could never put a changed man down. God will always lift you up.”

“Graveh!!! Baron bakit init na init sayo si @ogiediaz?!!! Ihian mo nga!!! Bhehehehehehehwhwhwhhwhwhwhwhwh”

“pakana ni sky to”

“Love ka pdin namin 💖”

https://twitter.com/baron_geisler/status/1715240617075425601