Usap-usapan ang magkasamang panonood ng basketball player-actor na si Ricci Rivero at Los Baños, Laguna Councilor na si Leren Mae Bautista sa laban ng UP at DLSU sa UAAP game.
Ibinahagi pa ni Rivero sa kaniyang Instagram story ang litrato nilang dalawa kasama ang tatay niyang si Ruzcko Rivero. Hindi rin nagpahuli si Leren at ibinida ang parehong larawan sa kaniyang IG story.
Hindi ito ang unang beses na naispatang magkasama ang dalawa, simula nang mapabalita ang hiwalayan nina Ricci at Kapamilya star Andrea Brillantes.
Ngunit sa kabila nito, wala pang kinukumpirma ang dalawa sa kung ano ang real score sa pagitan nilang dalawa. Naglabas pa nga ng opisyal na pahayag si Bautista matapos madawit sa nabanggit na hiwalayan.
Aniya noong Lunes, Hunyo 12, binigyang-diin niya na walang batayan at pawang kasinungalingan lamang ang kumakalat online na romantic involvement niya kay Ricci.
MAKI-BALITA: Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero
Kamakailan, naispatan naman ang dalawa sa isang amusement park sa Laguna.
MAKI-BALITA: Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit
MAKI-BALITA: Ricci, Leren Mae namataang ‘palakad-lakad’ daw sa isang park sa Laguna