Simula nang mag-trending dahil sa "character development" ng kaniyang role sa "FPJ's Batang Quiapo," isa sa mga inaabangan ng mga manonood ang paglabas ng mga karakter nina Pen Medina at Susan Africa sa nabanggit na action-drama series.

Kaya naman patok sa mga netizen ang memes nang lumabas na ang mga karakter nina Don Marsing at Donya Nita nang dumalaw na sila sa Quiapo, at todo-nakabihis na sila na pangmayaman.

Isa yata ito sa mga nagbibigay-aliw sa mga netizen lalo na kay Susan na nakaahon-ahon na raw sa mga api-apihan roles.

Kaya naman bentang-benta sa mga netizen ang isa sa mga eksena kung saan nakaharap nina Pen at Susan ang mga karakter nina Cherry Pie Picache at Charo Santos-Concio sa kanilang puwesto sa Quiapo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bet na kasing umalis ni Donya Nita dahil tila nainitan na siya at hindi na sanay na walang aircon, kakaloka!

Narito ang mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol dito.

"Parang sila na si Roda haha."

"Ay biglang yabang na hahaha."

"Ganyan naman talaga yung ibang biglang yaman 'di ba? Haha."

"Ang taray ni Anteh Susan ayaw na sa mainit hahaha."

Kamakailan lamang ay inamin ni Susan sa naging panayam sa kaniya sa "The ABS-CBN Ball 2023" na natutuwa siya sa mga memes na nalilikha ng mga netizen sa kaniya.

MAKI-BALITA: Susan Africa nag-react sa memes na ‘nakaahon-ahon’ na siya sa roles

MAKI-BALITA: Susan Africa ‘nakaahon-ahon’ na raw sa api-apihan roles