In fairness ay wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ng naulilang pamilya ni "King of Rap" Francis Magalona sa kontrobersiyang dala-dala ng pagsulpot ni Abegail Rait, ang umano'y ex-lover niya noon at ina ng kaniyang anak daw na si "Gaile Francesca."

Marami na ang nakaabang sa mga pahayag o cryptic post nila, batay sa mga komentong mababasa sa kanilang social media posts.

Si Pia Magalona na biyuda ni Francis, ang huling Instagram post ay tungkol sa pagbati niya ng happy birthday sa kaniyang eldest apo, na nagdiwang ng kaarawan noong Oktubre 17.

Sa araw ding ito sumambulat ang paglantad ni Abegail at Gaile Francesca sa vlog na "Pinoy Pawnstars."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"10.17.2023 Happy Birthday to our eldest grandchild @zoieyouliana whom Ohlee also loves so much 😍," aniya sa caption.

Tahimik din ang aktor na si Elmo Magalona sa kaniyang social media platforms.

Gayundin sina Maxene at Saab subalit nagrarambulan naman ang mga netizen sa comment section ng kanilang Instagram posts.

Si Saab ay nag-post ng isang advertisement para sa isang produktong pang-bedtime routine. Isang netizen ang umurirat sa kaniya kung nakita na niya ang "kapatid sa labas" na si Gaile Francesca na kamukha raw niya.

Anang netizen, "Nakita mo na yung kapatid mo sa tatay? Ang ganda ng family story n'yo pwede pang Maalaala.mo kaya. Francis M Rest in Peace youre the man."

Wala namang reply dito si Saab subalit mga netizen na mismo ang kumuyog sa nabanggit na commenter.

"kung makapag comment to parang parte ng pamilya. close kayo ni saab at ikaw pa maguupdate sakanya about private family matters? may pa-advice ka pa."

"chismosa yarn?!"

"hulaan ko… kabet din to."

"may pasma ba bunganga mo sis???"

"epal ampvta"

"Get out of here!!!!"

Photo courtesy: Saab Magalona (IG)

Si Maxene naman, inusisa ng isang netizen sa kaniyang post kung bakit hindi niya sinundan ang yapak ng kanilang ama. Iniugnay ito sa pagiging rapper ni Gaile Francesca na mukhang papasukin na rin daw ang showbiz, ayon sa ina nitong si Abegail Rait.

MAKI-BALITA: Anak ni Francis M sa ex-lover, papasukin na ang showbiz?

"Miss max bakit hindi ka po nag singer like ur father po?" tanong kay Maxene.

Ngunit kagaya ng ginawa ng mga netizen sa commenter ng post ni Saab ay sila na mismo ang dumurog dito.

"LOL!"

"Luh jusko!"

"Ikaw nalang daw po!"

"typical tita comment."

"TANGA KA BA?"

Photo courtesy: Maxene Magalona (IG)

Ang isa pa nilang kapatid na si Frank Magalona ang naging laman ng balita matapos daw i-like ang X post ng isang netizen tungkol sa "homewrecker" at "mistress" na tumutukoy daw kay Abegail.

MAKI-BALITA: Anak nina Francis M, Pia nag-react sa ‘homewrecker,’ ‘mistress’ post ng netizen

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang pormal at opisyal na pahayag ang pamilya Magalona sa isyu.

MAKI-BALITA: Boss Toyo nagpasintabi sa biyuda ni Francis M bago isiniwalat si Abegail Rait

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?