Dumating na sa Riyadh, Saudi Arabia si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit.

Dakong 12:56 ng hapon nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Marcos sa King Khalid International Airport sa Riyadh.

Kasama ni Marcos ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Kaagad na dumiretso si Marcos sa isang roundtable meeting, kasama ang mga Saudi business leader.

Layunin ng summit na paigtingin ang kooperasyon ng mga bansa sa parehong rehiyon, partikular na sa larangan ng enerhiya at food security.

Nagsimula ang diplomatic relations ng Saudi Arabia at Pilipinas noong Oktubre 24, 1969.